May himala nga! Weee!

Kanina, tinuloy na namin ulit yung ginagawa namin. Tuloy ang paghahanap ng paraan para makapagpadala ng SMS gamit ang Javascript.

Bago dumating si Sir nagsaliksik muna kami sa internet. Meron kaming mga nakitang sites at forums na pinag-uusapan yung problema namin. Sabi, konektado daw sa seguridad nung environment na ginagamit namin. Mejo hindi ko naintindihan kaya hinintay ko nalang si Sir Greg. Nung dumating na si Sir, kaagad namin tinanong yung problema namin. Sinabi din niya yung nabasa namin. Ayun. Gawin lang daw namin yung sinasabi doon sa isang article na nakita niya. Nagbasa muna kami ulit. Sabi , kailangan lang daw humingi ng permiso galing sa end-user para gumana yung Javascript o kaya naman, gawing signed o lagyan ng signature yung script o yung mismong files.

Sinubukan kong gawing signed yung script na ginagamit namin. Kaso, hindi ko mapagana. Kaya ginawa ko nalang muna ung paghingi ng permiso galing sa end-user. Tutal, nasa Development Stage palang kami. Kapag Deployment Stage na, doon nalang daw lagyan ng signature. At sa wakas, gumana na! Tuloy ang ligaya! Kausad narin kami sa ginagawa namin. Yey!

Habang ginagagawa namin yung proyekto namin, napagtanto namin na kailangan din namin ng server. Dahil naka-lagay na ang XAMPP sa workstation namin, yun nalang ginamit namin. Siyempre, PHP at MySQL na. Ayun.

Kanina pala, nagkaroon nanaman ng fire drill. Hindi ito katulad nung dating naikuwento ko. Mas makatotohanan yung kanina. Merong mga lalaking nilagyan ng floorwax para magmukhang dugu-duguan sila. Pinakita kung pano lagyan ng bandage yung mga duguan. Tapos, ito pa. May dumating na fire truck! Ahaha! Nakakatuwa.

Allen

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.